Kinilala ng Provincial Operation Office ang bayan ng Asingan bilang Model LGU sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ayon kay Municipal Social and Welfare Development Officer Teresa Mamalio, bukod sa mga guidelines ng programa ay nagpapatupad din ang LGU ng mga ordinansa para sa mga benepisyaryo at sinisiguro na hindi babalik sa paghihirap ang mga graduate na sa naturang programa.
Nasa 68 pamilya sa bayan ang naitalang nagsipagtapos sa naturang programa ayon sa MSWDO.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng capacity building para sa parent leaders, huwarang pamilya at family day celebration.
Sumasailalim din sa livelihood skills at training sa Manicure and Pedicure ang mga benepisyaryo kabilang ang mga solo parents, at miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨