π— π—”π—•π—”π—•π—”π—‘π—š 𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—¨π—›π—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—’π——π—¨π—žπ—§π—’π—‘π—š π—œπ—§π—Ÿπ—’π—š, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 𝗑𝗔π—₯𝗔π—₯𝗔𝗑𝗔𝗦𝗔𝗑 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘

Patuloy pa ring nararanasang sa ibat ibang pamilihan sa lalawigan ang mababang presyuhan sa produktong itlog.

Malaki ang ibinaba ng presyo nito kumpara noong mga nakaraang buwan kung saan nakitaan pa ito ng hanggang sa sampung piso ang kada piraso sa maganda klase nito.

Ngayon nasa apat na piso ang pinakamababa at nasa otso pesos naman ang pinakamataas sa kada piraso nito.

Para sa mga konsyumer malaking bagay ang pagbaba ng presyo ng itlog habang sa mga egg producer naman, malaking dagok sa kanila ang umano’y matumal na kitaan sa ngayon dahil sa pagbaba ng presyo ng itlog.

Samantala, sabay sa pagbaba ng presyo ng itlog ang bahagyang taas presyo naman sa karneng baboy sa ilang pamilihan sa lalawigan at pinangangambahan naman ang posible pa nitong pagtaas mga susunod na linggo. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments