𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡

Inihayag ng Philippine Red Cross – Ilocos Sur Chapter na nararanasan sa probinsya ang mababang suplay ng dugo.

Nananawagan ngayon ang pamunuan sa mga posibleng blood donor ng lalawigan upang magkaroon ng sapat na suplay para sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong.

Kaugnay nito, nakatakdang isagawa ang isang mobile blood donation ngayong araw, October 29, mula 8:00 – 5:00 sa Vigan Culture and Trade Center, Vigan City, Ilocos Sur. Hinimok ang publiko na makiisa upang matugunan ang kakulangan sa suplay ng dugo.

Samantala, ang naturang aktibidad ay sa pakikipag-ugnayan ng PRC Ilocos Sur sa LGU Vigan, Vigan City Health Office at Ilocos Sur Medical Society. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments