π— π—”π—•π—”π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗗 π—‘π—š 𝗧π—₯π—”π—£π—œπ—žπ—’ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—¦π—”π——π—” 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, 𝗑𝗔π—₯𝗔𝗑𝗔𝗦𝗔𝗑 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—”π—‘π—š π—¦π—˜π— π—”π—‘π—” 𝗦𝗔𝗑𝗧𝗔

Naranasan simula nitong umaga ng Lunes ang mabagal na usad trapiko sa ilang pangunahing kalsada sa Dagupan City matapos ang Semana Santa.

Ang ilan sa mga motorista, galing sa long weekend vacation at saktong dadaan sa Dagupan City at ang iba naman, inaasahan ang mabagal na usad trapiko dahil Lunes kung saan balik muli sa trabaho at klase ang mga estudyante.

Dumagdag pa sa mabagal na usad ng trapiko ang matinding init na naranasan rin lalo sa mga oras ng ala una hanggang alas singko ng hapon.

Samantala, naranasan naman ang mabagal na usad ng trapiko sa ilang kalsada tulad sa Rizal at Downtown Area. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments