π— π—”π—•π—œπ—šπ—”π—§ 𝗑𝗔 π——π—”π—Ÿπ—’π—¬ π—‘π—š 𝗧π—₯π—”π—£π—œπ—žπ—’, π—žπ—”π—Ÿπ—•π—”π—₯𝗬𝗒 π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—œπ—¦π—§π—” 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ž π—˜π—¦π—žπ—ͺπ—˜π—Ÿπ—”

Cauayan City – Sa muling pagsisimula ng pasukan, mabigat na daloy ng trapiko ang muli na namang nararanasan sa lungsod ng Cauayan partikular sa bahagi ng daan na sakop ng Brgy. Turayong, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginoong Ferdinand Gulapan, tricycle driver, madalas na nagsisimula ang mabigat na daloy ng trapiko sa daan patungong Cauayan City National Highschool at Cauayan City Stand Alone Senior Highschool pasado alas sais ng umaga.

Aniya, mula sa Centro hanggang sa paaralan ay tinatayang umaabot na ng halos 30 minuto ang biyahe dahil sa dami ng tricycle na naghahatid ng pasahero sa nabanggit na mga paaralan, kung saan lugi na umano sila kung tutuusin lalo na kung isang pasahero lamang ang kanilang sakay.


Gayunpaman, kapag natapos na ang oras ng pagpasok ng mga estudyante ay balik na ulit umano sa normal ang daloy ng trapiko sa daan, at muling bibigat sa oras ng uwian ng mga bata.

Umaasa naman si Ginoong Gulapan na ngayong balik na ang klase ay muling ring babalik ang normal nilang kinikita sa pamamasada.

Facebook Comments