Sinamantala ng ilang bumisita sa mga sementeryo sa Dagupan City ang magandang panahon kahapon.
Laking pasasalamat ng mga bumisita sa mga campo santo sa pagbuti ng panahon sa araw ng Undas matapos makaranas ng magkasunod na bagyo nitong nakaraang linggo.
Hindi na alintana ng mga bumibisita ang mainit na panahon para lang mapuntahan ang puntod ng kanilang mga yumao.
Ang ilan sa bumisita, nag-aga sa sementeryo dahil sa takot na maabutan ng ulan.
Mas mainam na raw umano ang naranasang panahon kaysa noong mga nakalipas na araw kung saan naranasan ang patuloy na pag-uulan matapos isailalim ang lungsod sa state of calamity.
Samantala, ngayong araw inaasahan na may mga mangilan ngilan pang hahabol sa pagbisita sa puntod ng kanilang mahal na yumao sa kadahilanang may pasok umano ang mga ito kahapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨