𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫

Patuloy na nararanasan sa lalawigan ng Pangasinan ang magkakasunod na mga pag-uulan pagsapit ng hapon sa kabila ng nananatiling mataas na naitatalang heat index sa lalawigan.

Sa mga nailabas na Thunderstorm Advisory ng DOST-PAGASA, ilang mga bahagi sa probinsya ang nakararanas ng pag-ulan na may kasamang malakas na paghangin sa tuwing hapon.

Bagamat madalas ang pag-uulan ay nananatili pa ring mataas ang heat index kung saan ang forecast ngayong May 21 ay nasa 44 degree Celsius at sa nagdaang linggo, naglaro naman sa 42 hanggang 47 degree celsius ang naitala na heat index sa Pangasinan partikular sa Dagupan City.

Samantala, nauna nang inihayag ng PAGASA na aasahan na ang mas madalas pang mga pag-ulan sa hapon at gabi dahil tumaas ang occurrence of thunderstorm na hudyat ng papalapit nang wet season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments