
CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng dalawang magkapatid na binansagang High Value Individual matapos matuklasan ng mga otoridad ang mga ipinagbabawal na gamot sa kanilang tahanan sa Tabuk City, Kalinga.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas βJoeyβ, 25-anyos, tricycle driver, at alyas βJeffreyβ, 29-anyos, construction worker, pawang mga residente ng Brgy. Dagupan Weste, Tabuk City, Kalinga.
Naunang hinalughog ng mga kapulisan ang tahanan ni alyas βJoeyβ kung saan narekober ang apat na piraso ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P11,560 at drug paraphernalias.
Habang isinunod namang hinalughog ang bahay ni alyas βJeffreyβ kung saan nasamsam ang dried marijuana na nagkakahalaga ng P360, 6 sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,080, at 13 piraso ng live ammunition ng caliber 45.
Dinala ang suspek sa himpilan ng Tabuk Police Station at mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang makakasuhan rin si alyas βJeffreyβ sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.