π— π—”π—šπ—žπ—”π—£π—”π—§π—œπ—— 𝗑𝗔 π—§π—¨π—Ÿπ—”π—ž π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—’π—šπ—”, π—•π—œπ—¦π—§π—”π——π—’

Cauayan City – Sa kulungan ang bagsak ng dalawang magkapatid na tulak ng ilegal na droga matapos silang maaresto ng mga awtoridad kahapon ikatlong araw ng Hunyo.

Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Udang”, 41-anyos, at Alyas “Ando”, 36-anyos, pawang residente ng Brgy. Longos, Malabon City.

Batay sa ulat, nagtungo sa napagkasunduang hotel sa bayan ng Echague, Isabela ang magkapatid kung saan positibo nga nilang na bentahan ng hinihinalang shabu ang awtoridad na nagpanggap na buyer.


Dahil dito, nadakip ang dalawang suspek at nasamsam sa kanila ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P107,106.00.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Echague Police Station ang dalawa na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments