𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗥𝗔𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗥𝗡𝗜𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗦𝗛𝗢𝗣

Arestado ang magkapatid na empleyado ng isang furniture shop sa Brgy. Baybay Polong, Binmaley, Pangasinan matapos ireklamo ng may-ari sa pagnanakaw umano ng pera.

Ang mga suspek edad 18 at 19 na residente rin sa bayan.

Ayon sa biktima, naiwan umano nito ang kaniyang wallet sa kaniyang bahay ngunit nang ito ay balikan Niya nakita niyang NASA tabi ng Isa sa mga suspek ang pitaka.

Dito na Niya Natuklasan na nawawala ang lamang pera na nasa higit 20,000.

Agad na nakapagsumbong sa pulisya ang biktima at Naaresto ang mga suspek na nahaharap sa kasong qualified theft. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments