𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗢𝗧𝗘

Cauayan City – Nasakote ang isang magsasakang tulak ng ilegal na droga matapos nitong magpositibo sa anti drug buy-bust operation kahapon ikalawang araw ng Hunyo sa Brgy. Simimbaan, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Alyas “Rod”, magsasaka at kabilang sa listahan ng Street Level Individuals.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska kay Alyas “Rod” ang P1,000 buy-bust money, at buy-bust item na dawalang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Bukod pa rito, nasamsam rin sa pag-iingat ng suspek ang isang cellphone, kaha ng sigarilyo, P171 na personal money, at isang motor.

Matapos ang matagumpay na operasyon, kaagad na dinala ang mga nakumpiskang ebidensya at ang suspek sa Roxas Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments