Natanggap na ng ilang farmers associations sa Rehiyon Uno ang tulong pansaka mula sa Department of Agriculture.
Nasa limang milyong pisong halaga ang ibinigay para sa procurement ng 10-toner hauling vehicle ang ibinigay sa mga magsasaka ng Burgos Ilocos Norte.
Naipamahagi rin sa farmers association sa bayan ng Mapandan, Pangasinan ang tatlong milyong piso na ilalaan para sa delivery vehicle at konstruksyon ng isang warehouse ng palay trading at rice retailing operations.
Bahagi ito ng Kadiwa Financial Grant Assistance sa ilalim ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments