Nahaharap sa kaukulang kaso ang isang magsasaka matapos magpositibo ang isinilbing search warrant sa tahanan nito sa San Carlos City.
Ang suspek ay nakilalang si Danny Ferrer residente ng Balite Sur sa nasabing lungsod.
Isinilbi ang search warrant sa tahanan ng suspek pasado alas diyes ng gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng Isang caliber 38 pistol at isang bala nito.
Nahaharap na sa kaukulang kaso ang nasabing suspek na sa ngayon ay hawak na ng San Carlos PNP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments