𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗧𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗗𝗘𝗦𝗜𝗚𝗡 𝗧𝗥𝗔𝗖𝗞 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗟𝗟𝗘𝗥𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗟 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Ang sining ay expression ng damdamin, ideya, o karanasan na siyang ipinamalas ng mga mag-aaral mula Dagupan City NHS – SHS sa kanilang Arts and Design Track sa N Gallery ng isang mall dito sa Dagupan City.
Dito makikita ang galing ng kanilang imahinasyon sa ibat ibang larawan, kulay at mukha ng kanilang mga obra. Nakakabilib na sa kanilang murang edad ay nahasa na ang kanilang talento at pagmamahal sa sining.
Samantala kamakailan lang din ng buksan ang Pandaragupan Art Exhibit sa Casa Mira, Serafica Street, Mangaldan. Tampok ang mga obra ng creative scholars sa nagdaang Pandaragupan Arts Camp.

Maaaring bilhin ang mga magustohang artwork bilang suporta sa Pandaragupan Artist.
Mula sa iFM kaisa tayo sa panawagang suportahan ang sining ng ating mga local artists. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments