𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗔 𝗞𝗨𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗣𝗜𝗖𝗧𝗨𝗥𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗔𝗧𝗛 𝗣𝗢𝗢𝗟

Hindi akalain ng magkaanak na dumayo sa Sitio Cabongaoan, Brgy. Ilio-Ilio, Burgos na mauuwi sa pagkasawi ng kanilang mga magulang ang family outing.

Mula pa sa Antipolo, Rizal ang mga biktima kinilala bilang sina Gonzalo at Emelita Magalang. Kasama din nila ang kanilang mga anak nang mangyari ang insidente.

Ayon sa salaysay ng kanilang anak, alas singko ng hapon nang maglakad lakad sa dalampasigan ng tinutuluyan ng beach resort ang pamilya hanggang sa napagdesisyunan nilang kumuha ng family picture sa tuktok ng isang rock formation malapit sa death pool.

Aksidente umanong nahulog sa tubig ang ginang kaya tumalon din agad ang asawa upang isalba ito. Tinangay ng malakas na agos ang mga ito dahilan ng kanilang pagkalunod.

Alas nuwebe ng gabi na iyon ay saka lamang naretrieve ang katawan ng mga biktima na isinugod pa sa pagamutan ng mga awtoridad ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments