𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗟𝗢𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗫𝗘𝗥𝗖𝗜𝗦𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗠𝗨𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬, 𝗧𝗥𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘

Maraming netizen ang naantig sa ibinahaging post ng isang guro sa social media hinggil sa isang mag-inang hindi naabutan ang closing program dahil inuna muna ng mga ito na maglako ng gulay.

Ayon kay teacher Delia Buaya, tapos na ang programa nang dumating sina Vivilyn Sagmao at ina nito sa Lilingayon Central School.

Sa katunayan, may dala pa ang mga ito na isang palangganang naglalaman ng iba pang gulay.


Hindi na rin nagawa ng mga ito na magbihis dahil ayon sa mag-ina, wala rin silang pambili ng kinakailangang kasuotan para sa closing exercise.

Gayunman, sinabitan pa rin ng guro ng medalya ang bata na kabilang sa mga “With Honors” awardee ng kanilang klase.

Dahil sa nag trending ang post, may ilang netizen ang nagpaabot ng kanilang tulong.
Dinala rin sila ng guro sa mall, binilhan ng damit, at pinag-grocery.

Facebook Comments