𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗕𝗢𝗡𝗚, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗨𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔

Umaabot sa dalawamput apat na manok panabong na nagkakahalaga ng mahigit ₱100k ang tinangay ng mga kawatan sa isang manukan sa bayan ng Bautista.
Ang nasabing farm na matatagpuan sa Brgy. Cabuaan ay pinasok pasado alas dose ng hatinggabi.
Sinira ang bakod ng nasabing manukan at dito sinasabing pumasok ang mga kawatan.

Naaresto naman sa follow up operation ang isang dese nuwebe anyos na suspek na nakilalang si Jassy Rosario na residente ng San Carlos City kung saan ay nakuha mula dito ang walong manok panabong.
Inihahanda na ngayong ang kaukulang kaso laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments