
Cauayan City – Nasabat ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang isang malaking kargamento ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱6.42 milyon sa isinagawang routine border checkpoint operation sa Maharlika Highway, Barangay Tactac, Sta. Fe, Nueva Vizcaya, gabi noong Enero 18, 2026.
Kinilala ang mga suspek bilang alyas “Ramram”, drayber na residente ng Paco, Manila at alyas “Vin”, helper na residente naman ng Pasay City.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng 2nd Maneuver Platoon ng 205th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2), katuwang ang Sta. Fe Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit (PIU), at Regional Intelligence Unit (RIU) ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO).
Bago ang insidente, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba mula sa isang informant hinggil sa isang puting Elf truck na umano’y nagdadala ng smuggled na sigarilyo.
Nang mamataan ang sasakyan na patungong northbound, hindi ito agad huminto sa checkpoint kaya’t hinabol at hinarang ng mga kapulisan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









