𝗠𝗔𝗛𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

Dinadaing ngayon ng ilang residente sa Brgy. Longos sa bayan ng Calasiao ang mahinang suplay ng tubig sa kanila.

Diumano, mahina o di naman minsan ay halos walang lumalabas sa kanilang gripo, kaya naman sila ay nahihirapan. Ayon pa sa ilang residente, naobserbahan nilang mabuhangin din ang inilalabas nito.

Samantala, ayon sa pamunuan ng Calasiao Water Company Incorporated, na nasira umano ang isa nilang water facility matapos tamaan ng kidlat, kaya’t apektado ang pagsusuplay nito sa kanilang mga nasasakupan.

Pagsisiguro naman ng kumpanya na sila ay gumagawa ng paraan upang maayos at mapaganda ang kanilang pagseserbisyo sa mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments