Kasado ngayong araw ng Martes, Dec. 12 ang pag-implementa ng malakihang tapyas presyo sa mga produktong langis pagkatapos itong maianunsyo ng mga oil companies.
Naglalaro sa P1.80 hanggang P2.00 ang bawas sa kada litro ng produktong Diesel, habang may pagbaba na P1.60 hanggang P1.90 sa kada litro ng Gasoline at sa Kerosene, may tapyas naman na nasa P1.40 hanggang P1.60 sa kada litro rin nito.
Ikinatuwa ang bigtime oil price rollback ng mga PUV operators maging mga motorista sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa mga operators ng pampublikong sasakyan, ang paggalaw particular ang pagbaba sa presyo ng mga langis ay malaking bagay daw sa kanila dahil isa ito sa sukatan ng kanilang magiging kabuuang kita sa loob ng kada araw na pasadahan.
Samantala, inaasahan pa ng mga ito na magtutuloy tuloy pa ang bawas presyo sa langis lalo ngayong pagdiriwang ng holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments