𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗘𝗗 𝗡𝗔

Malaking bahagi na ng mga lugar sa Pangasinan ang drug cleared na, ayon yan mismo sa PDEA Pangasinan Provincial Office.

Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay PDEA Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho, sinabi nitong nasa kabuuang tatlumput dalawa o 32 na mga munisipalidad at lungsod ang idineklarang drug cleared na.

Apat naman umanong munisipalidad ang nagpasa ng kanilang aplikasyon para sa pagiging drug cleared municipality dahil cleared na rin umano ang mga bara-barangay nito sa impluwensya ng iligal na droga.

Sa ngayon, nasa labing dalawa o 12 na munisipalidad na lamang ang hindi pa idineklara bilang drug cleared.

Dagdag pa ni Camacho na maaaring tumanggap naman ng client mula sa kalapit na mga munisipalidad ang mga Balay silangan tulad sa Dagupan City basta ay magkakaroon ng kasunduan o MOA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments