Mariing pinabulaanan ng Central Pangasinan Electric Cooperative Inc. ang kumakalat umanong balita na magkakaroon ng malawakang brownout ayon sa NGCP sa mga nasasakupan nito ngayong araw.
Ayon sa tanggapan, hindi umano lehitimo ang naturang post sa social media na ginamit pa ang official logo at pangalan nito. Nilinaw din na hindi, sa anumang paraan, konektado ang naturang facebook page sa kanilang tanggapan.
Hinimok ng CENPELCO ang publiko na i-mass report ang pekeng facebook page upang hindi na makapagkalat pa ng maling impormasyon.
Paalala pa nito, mismong sa facebook o anumang social media account ng National Grid Corporation of the Philippines at mga respetadong accounts ng iba’t-ibang electric service provider lamang mag-abang ng anunsyo sa mga grid alert status. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨