Isasagawa ang malawakang veterinary services ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan alinsunod sa selebrasyon ng World Rabies Day sa darating na September 28, 2024.
Ngayong araw, September 26, aarangkada ito sa Covered Court ng Poblacion Sur, sa bayan ng Sison mula alas otso trenta ng umaga habang bukas, September 27, gaganapin ito sa Provincial Vet Clinic, Capitol Compound sa bayan ng Lingayen.
Hatid ang iba’t-ibang serbisyo para sa mga alagang aso at pusa tulad ng Anti-Rabies vaccination, Vitamin supplementation, Deworming, Veterinary Consultations, Castration at Spaying.
Magbabahagi rin ang OPVET Pangasinan ng ilang mga pagsasanay at kaalaman ukol sa isinusulong na rabies awareness.
Samantala, layon ng naturang aktibidad na makamit ang rabies-free community sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨