Sunday, February 1, 2026

𝗠𝗔𝗠𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜 𝗖𝗢𝗣𝗦 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡

Cauayan City – Aktibong nakiisa ang mga personnel ng Ilagan Component City Police Station (CCPS) sa isinagawang City Blood Letting Activity ng LGU–City of Ilagan noong Enero 30, 2026.

Ang nasabing aktibidad ay bilang bahagi ng adbokasiya sa pagsusulong ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo.

Isinagawa ang naturang aktibidad sa ilalim ng temang “Give the Gift of Life, Donate Blood! Be a Hero!”.

Samantala, pinangunahan ni PLTCOL Jeffrey D. Raposas ang pakikilahok ng kapulisan.

Ipinamalas ng mga kalahok ang diwa ng malasakit, boluntaryong paglilingkod, at pananagutan sa komunidad.

Ayon sa pamunuan ng Ilagan CCPS, ang ganitong uri ng aktibidad ay hindi lamang nakatutulong sa pagliligtas ng buhay kundi nagsisilbi ring paraan upang mapalakas ang tiwala at ugnayan ng pulisya at ng publiko.

📸: ILAGAN CCPS IPPO

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments