π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘ π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—›π—œπ—šπ—› π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿ, π—•π—œπ—‘π—¨π—Ÿπ—”π—•π—’π—š π—‘π—š 𝗕𝗒𝗠𝗕 𝗧𝗛π—₯π—˜π—”π—§

Binulabog ng Bomb Threat ang Mangaldan National High School kagabi.

Inabot ng madaling araw. kanina ang ginawang panelling ng hanay ng Explosives and Ordinance Division ng PNP sa buong bisinidad ng nasabing paaralan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, may nagpadala ng mensahe sa Facebook Page ni Councilor Aldrin Soriano na sinasabing may mga bomba sa nasabing paaralan.

Agad naman itong ipinagbigay alam sa PNP Mangaldan na agad ding nakipag-ugnayan sa EOD kung saan ay isinagawa ang panelling.

Pasado alas dos na kanina ng ideklarang β€˜cleared’ ang nasabing paaralan kung saan ay inanunsyo din na tuloy ang klase matapos ang naunang kanselasyon kagabi. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments