
β
βCauayan City – Inanunsyo ng Department of Tourism β Rehiyon 2 na kanselado ang Cebu Pacific Flight 5J504 mula Manila patungong Tuguegarao at return service na Flight 5J505 mula Pebrero 15 hanggang Pebrero 28, 2026.
β
βAyon sa airline, ang pagkansela ay sanhi ng kinakailangang maintenance at technical check ng eroplano.
β
βPinaalalahanan ang mga pasahero na may naka-book na tiket na makipag-ugnayan sa Cebu Pacific upang maayos ang rebooking, refund, o ibang alternatibong biyahe.
β
βBinibigyang-diin ng airline na ang hakbang na ito ay para sa kaligtasan at maayos na operasyon.
β
βPinapayuhan din ang mga biyahero na laging tingnan ang flight status bago pumunta sa paliparan at maging handa sa posibleng pagbabago ng schedule.
β
βPhoto: Department of Tourism – Region 2 Office
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










