Mahigpit na isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Mapandan ang kabilaang checkpoints kasabay ng pagsuri sa mga kaukulang dokumento sa mga binabyaheng alagang baboy upang maiwasan ang pagpasok ng mga ASF-infected swine.
Kabilang sa mga kinakailangan ipakitang dokumento ay shipping permit at accreditation mula sa Bureau of Animal Industry, veterinary health at barangay certificate, at sertipikasyon na nagsasaad na mula sa lugar na ASF-free ang mga alagang baboy.
Lubos naman na naintindihan ng mga hog raisers at traders ang paghihigpit ng lokal na pamahalaan dulot ng banta ng african swine fever na patuloy na nakakaapekto sa ilang barangay sa Region 1.
Matatandaan na Isa ang bayan sa pinaka apektado noong nagsimula ang pagkalat ng ASF. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments