Patuloy ang pagbibigay ng paalala sa publiko ang Department of Health Region 1 ukol sa masamang epekto ng sigarilyo, e-cigarettes at vape sa katawan.
Ayon sa Department of Health Region 1, magkakaiba man ang tawag sa mga ganitong klase ng sigarilyo, electric man o liquid vapor ay pare-pareho rin naman itong nagbibigay ng masamang epekto sa kalusugan ng isang tao.
Isa sa tinututukan ang mga menor de edad na nahihikayat bumili at gumamit ng naturang produkto.
Kamakailan lamang ay nakapagtala ang DOH ng unang kaso ng pagkamatay dahil sa paggamit araw-araw ng vape sa nakalipas na dalawang taon at nagkaroon ng matinding pinsala sa baga.
Giit din ngayon ng DOH na dapat na itaas ang legal age ng mga maaaring bumili ng bape at sigarilyo sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Vape Law at pagsasabatas ng Tobacco Illicit Trade Bill na siyang nakasunod sa mga pamantayan ng World Health Organization-Framework Convention on Tobacco Control. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨