Inirereklamo ng mga residente sa isang compound sa Barangay Anolid, Mangaldan ang masangsang na amoy mula sa naipong tubig baha dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan na naranasan noong nakaraang linggo.
Hanggang binti na rin umano ang lebel ng tubig kung kayat nababahala ang mga residente sa banta nito sa kanilang kalusugan.
Dahil dito, Hiling ng mga residente sa lokal na pamahalaan na ipasipsip sana ang naipong tubig.
Ayon sa kawani ng Local Disaster Risk Reduction Management Office Ernie V. Cuison, hindi umano maaaring gamitan ng water pump ang tubig dahil ito ay stagnant.
Inirekomenda ng opisyal ang paghuhukay sa daanan ng tubig upang mapabilis umano ang pag-agos nito at humupa ang baha.
Samantala, tatlong barangay na sa bayan ang nakakaranas ng pagbaha dulot ng Bagyong Enteng at Habagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨