𝗠𝗔𝗦𝗦 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Sabi nga nila “Give love on Christmas Day”. Kaya naman, ngayong nalalapit na kapaskuhan, pagkakataon niyo na mga idol upang makatulong at makapagdonate ng dugo para sa mga nangangailangan.
Isasagawa ang ika 36th Pledge 25 and Mass Blood Donation sa pangunguna ng University of Luzon bilang bahagi ng kanilang selebrasyon ng University Week kasama ang Philippine Red Cross- Pangasinan ngayong araw December 6, 2023.
Sa temang “Give Blood, Give Love”, maibabahagi mo ang iyong pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagdodonate ng dugo.

Para sa mga nais magdonate, magtungo lang sa University of Luzon, alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon. Mula rito sa IFM DAGUPAN, advance Merry Christmas idols. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments