𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡

Patuloy na nararanasan ang mas mababang presyuhan sa produktong itlog sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Sa kasalukuyan, bumaba pa sa ₱5.50 ang pinakamurang ibinebenta ngayon sa merkado. Mas mababa kumpara noong nakaraang linggo na nasa ₱6.

Matatandaan na bunsod ito ng mataas na suplay dahil sa magandang produksyon ng nasabing produkto, na mismo ring kinumpirma ng Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG.

Kaugnay nito ang paghikayat ng ahensyang Department of Agriculture (DA) sa mga consumers na damihan ang pagbili at pagkain ng itlog upang masabayan ang kalagayan nitong oversupply sa merkado.

Samantala, nananatili naman sa ngayon ang presyuhan o walang mataas na paggalaw sa iba pang agricultural products tulad ng manok, baboy, gulay at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments