𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na mararamdaman na sa susunod na buwan ng Hulyo ang mas mababang presyo ng bigas sa merkado.

Ito ay matapos ihayag sa na naganap ng pagpupulong kasama ang mga stakeholder ng bigas na Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) at Grain Retailers Confederation of the Philippines (GRECON).

Bagamat malayo pa sa target na mas ibaba pa sa P30 ang kada kilo ng bigas, tiniyak ni Romualdez na patuloy itong tututukan upang mapababa pa sa mga susunod na buwan.

Nasa 42 hanggang 49 pesos ang inaasahang magiging presyuhan ng bigas sa sunod na buwan, mas mababa ng siyam na piso kumpara sa nananatili nitong presyo sa merkado.

Umaasa ang ilang mga konsyumer sa Pangasinan na maiimplementa ang naturang bawas presyo ng produktong bigas.

Samantala, nananatili sa P46 ang pinakamababang presyo sa kada kilo ng bigas sa pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments