𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡

Madalas na maranasan ngayon sa ilang bahagi ng kakalsdahan sa Dagupan City ang mas mahaba at mabagal na usad ng trapiko kung saan apektado ang mga motorista at komyuter.

Ayon sa ilang mga motorista at komyuter, hindi rin naman daw dahil lang sa holiday season kaya nararanasan ang ganitong bigat ng daloy ng trapiko kundi may iba rin umano kasing pasaway na nag-iillegal parking sa mga kalsadang hindi naman maaaring mag-park ng sasakyan.

Gaya sa bahagi ng Caranglaan, kung saan nito lang ay nakaranas ng mahaba at mabigat na usad ng trapiko dahil umano sa mga matigas ang ulong nagpapark at nahaharangan ang kakalsadahan dahilan para maabala ang mga motorista.

Todo bantay naman ang POSO Dagupan sa mga motoristang makukulit at hindi sumusunod sa batas trapiko lalo na sa mga iligal na nagpapark ng kanilang mga sasakyan.

Hindi naman umano nagkulang sa signages ang lungsod kung saan may mga nakapaskil na ‘No parking’ sa mga bahaging hindi puwedeng mag-park ng sasakyan.

Samantala, nag-umpisa na rin ang Construction break sa isinasagawang road at drainage elevation sa lungsod gaya ng Arellano St at Perez blvd. at sa ilang bahagi pa na may konstrukyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments