Tatlong linggo bago ang pagbubukas muli ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Pangasinan, bahagyang may pagtaas sa presyo ilang school supplies.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, nasa 1% hanggang 25% ang nakitang pagtaas sa presyo ng ilang school supplies.
Dahil dito, inilunsad ng ahensya ang DTI Balik-Eskwela Diskwento Caravan upang makatipid lalo na sa gamit pang eskwela. Isasagawa ang programa sa mga mall sa Pangasinan mula July 1 hanggang August 31.
Mahigit 5% hanggang 70% ang bawas sa presyo ng school supplies sa orihinal na presyo nito. Makikita sa kanilang facebook page na DTI Pangasinan ang mga mall na kabilang sa pagsasagawa ng programa. Una rito, hinikayat ni Dalaten ang mga mamimili na maging mapanuri sa mga bibilhing school supplies.
Mainam aniya na bumili ng mga mas murang school supplies na maganda ang kalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨