Madalas na naitatala ng PAGASA ang mataas na heat index sa lungsod ng Dagupan sa pagpasok ng dry season.
Noong March 27, umakyat sa 47Β°C ang pinakamataas na heat index ng lungsod pagpasok ng taon, sinundan ng 45Β°C noong April 1 at nitong nagdaang mga linggo, madalas maglaro ang heat index mula 41 hangga 44Β°C.
Ayon din sa PAGASA Dagupan, posible pang umabot sa higit 50Β°C ang nararamdamang init ng panahon sa lungsod.
Isa rin ang syudad sa may pinakamataas na heat index na naitala sa buong bansa sa ilang mga araw at kadalasang kabilang sa anim hanggang sampung lugar sa Pilipinas na higit minomonitor ng weather bureau.
Pinag-iigting ngayon ang paalala ng health authorities kaugnay sa pagbabawas ng outdoor activities lalo sa pagitan ng alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon. |πππ’π£ππ¬π¨