𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗬𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡

Hindi pa matiyak kung hanggang kailan magtatagal ang mataas na presyo ng luya.

Ito ngayon ang sinabi ni Samahan ng industriya at Agrikultura o Sinag Chairman Engr Rosendo So sa naging panayam ng iFM Dagupan.

Ayon Kay Engr So, dahil sa panahon kung kayat apektado ang presyo ng luya sa merkado.

Hindi aniya nila inaasahan na tataas ng ganito ang presyo ng luya kung saan ay nasa mahigit dalawandaang piso ngayon sa merkado at umabot pa ng apat na raang piso.

Nasa halos dalawang Daang piso kasi aniya ang farm gate price nito kung saan ay nagmumula ito sa Cagayan Valley Region partikular sa bahagi ng Nueva Vizcaya at Ilan pang lalapit na lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments