Naitala ngayong linggo ang pinakamataas na temperatura sa kasalukuyan sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa tala ng PAG ASA, pumalo sa 40 degrees celsius ang temperatura noong ika-5 ng Marso.
Ang nasabing tala ay nanguna sa lahat ng mga probinsya at bahagi ng hilagang Luzon.
Nitong nagdaang linggo, naglalaro sa 37 hanggang 43 degrees celsius ang heat index.
Samantala, sa kabila ng nararanasang mainit na panahon, nagpaalala ang PAG ASA sa ibayong pag-iingat ng bawat residente.
Sa ngayon, hindi pa opisyal na idineklara ang sunmer season, kaya’t asahan pa ang maalinsangang panahon hanggang sa buwan ng Mayo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments