Hinihiling ngayon ng Teacher’s Dignity Coalition na suspendihin ang implementasyon ng Matatag Curriculum para sa school year 2024-2025.
Ayon kay TDC Chairman Benjo Basas, ipinanawagan nila ang suspensyon kay DepEd Secretary Angara na iatras ng isang linggo ang pagbubukas ng klase, upang mapag-usapan ang maayos na implementasyon ng bagong curriculum.
Ang Matatag Curriculum ay revised curriculum para sa Kindergarten hanggang Grade 10 sa ilalim ng K to 12 program na ipinakilala sa ilalim ng dating DepEd Secretary Sara Duterte.
Samantala, patuloy din ang panawagan ng TDC ukol sa pagbabawas ng oras sa pagtuturo ng mga guro gayundin ang tuluyang pag-aalis ng administrative work sa mga guro.|𝗶𝗳𝗺𝗻𝗲𝘄𝘀
Facebook Comments