Epektibo at napapakinabangan na ng mga benipisyaryo ang isang tulong pangkalusugang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan.
Ito ang Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) program kung saan makakapabigay ng tulong para sa mga indigent sa lalawigan na walang kakayahang makapagbayad ng bill sa mga hospital.
Dahil sa programang ito ng probinsiya, marami ngayon ang patuloy na nagpapasalamat dahil malaki ang naitutulong ng programang ito sa mga kababayan sa Pangasinan na kapos sa pinansyal.
Gaya na lamang ni Honeylyn Pascua na isang benepisyaryo kung saan ito ay nakapag-avail ng libreng dialysis sa tulong ng MAIP.
Hindi lang si Honeylyn ang nakakahuha ng tulong na ito kundi marami pang iba.
Samantala, matatandaang ang MAIP Program na ito ng probinsiya ay naaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-19 ng Hunyo 2023.
Matatandaang ding may ibinahaging ₱286,895,375.51 na pondong paghahatian ng labing-apat (14) na government-run hospitals sa lalawigan na pinangangasiwaan ng pamahalaang panlalawigan.
Ang nasabing programa ng pamahalaan ay nakabatay sa Admin. No. 2020-0060 ng DOH na inamyendahan noong Marso 30, 2023 para sa mga Pangasinenseng pasyente na walang kakayahang makabayad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨