๐— ๐—˜๐—ž๐—”๐—ก๐—œ๐—ž๐—ข, ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—›๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—ž๐—›๐—” ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—•๐—”๐—›๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข

Cauayan City – Sa kulungan ang bagsak ng isang mekaniko matapos nitong hampasin ng bakal na kalaykay ang mukha ng kanyang kapitbahay sa Villarta St. Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Celo”, 35 anyos, mekaniko, habang ang biktima ay si Eduardo Gaspar, 56 anyos, construction worker at parehong residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, bago mangyari ang insidente ay natutulog umano ang biktima sa loob ng kanyang tahanan ng bigla na lamang sumugod ang lasing na suspek at kasama nito sa kanyang bahay at nagsisisigaw.


Dahil dito, nagising ang biktima at kinumpronta si alyas “Celo” hanggang sa mauwi ito sa pagtatalo ngunit kaagad na napigilan ng kanilang mga kapitbahay, ngunit hindi pa nakuntento ang suspek at dalawang beses itong bumalik sa bahay ng biktima upang manggulo at maghamon ng away.

Sa huling pagbalik nga ng suspek, dito na nito hinampas ng bakal na kalaykay ang mukha ng biktima dahilan para matanggal ang apat na ngipin nito.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa kustodiya ng Cauayan City PS ang suspek na mahaharap sa kasong Serious Physical Injury.

Facebook Comments