𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗠𝗕𝗨𝗟𝗔𝗡𝗧 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗨𝗡𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧

Binalaan ng pamunuan ng San Fabian Public Market ang mga ambulant vendor o mga iligal na nagbebenta sa pamilihang bayan.
Sa anunsyo ng pamunuan sa kanilang Facebook Page, ipinagbabawal ang mga ambulant vendors sa bayan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa pamunuan ng San Fabian Public Market, seryoso umano sila sa layunin nilang mapaganda ang palengke ng bayan.

Dagdag pa nito na kahit gaano raw sila nag-iingat at kaseryoso rito, hindi pa rin umano maiiwasan ang mga pasaway na vendors.
Kanila umanong pinoproblema ang mga nagkalat at patuloy na nagsusulputang ambulant vendors.
Siniguro ng pamunuan na sila ay nakamonitor sa mga lalabag dito.
Ayon pa sa paalala SFPM, kukunin ng pamunuan ang mga paninda ng sinumang ambulant vendors na mahuhuling lalabag sa patakarang ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments