Nagsama-sama ang mga Architects sa probinsiya ng Pangasinan sa isinagawang coastal clean up sa pamosong Hundred Islands sa Alaminos City.
Bahagi ito ng selebrasyon ng World Architecture Day na naglalayong suportahan ang environmental conservation, protection and rehabilitation program ng LGU.
Kabilang rin sa mga nakiisa sa proyekto ang City Environment and Natural Resources at iba pang government offices.
Samantala, Ilan pang non-government organization ang nakatakdang magsagawa ng coastal clean up upang mapanatili ang ganda ng naturang tourist attraction sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments