𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗞𝗜𝗟𝗟

Nakapagtala ng insidente ng pagkamatay ng mga alagang bangus sa ilang bahagi ng Western Pangasinan dahil sa labis na init ng panahon.

Ayon sa isang Operator ng Aquaculture Industry sa Western Pangasinan na si Ronald Eugenio, hindi maituturing na fish kill ang naitalang pagkamatay ng isda ngunit kinakailangan pa ring agapan lalo’t ito ang pinaka kinatatakutan ng mga fish growers tuwing umiiral ang El Niño phenomenon at dry season at biglang nagbabago ang temperatura ng tubig dahil sa biglang pag-ulan.

Dagdag niya, hindi nagtatagal ang magandang kalidad ng bangus na namatay sa tubig kaysa sa yelo. Sa mga ganitong insidente, kinakailangang maibenta agad o makonsumo ang mga namatay na isda. Paalala niya, makikita sa pulang hasang at texture ng sariwang isda sa hindi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments