๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—›๐—œ๐—ก๐—œ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—”๐—ง ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข ๐—ฆ๐—˜๐—š๐—ฅ๐—˜๐—š๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—ข ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—”

Hinikayat ni Liga ng mga Barangay President at Lucao Barangay Captain Marcelino Fernandez ang mga kapwa Barangay Officials sa Dagupan City na makiisa sa implementasyon ng โ€˜No Segregation, No Collection Policyโ€™ ng Dagupan City.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa opisyal, sinabi nito na ilang araw na rin na ipinapatupad ng mahigpit ang nasabing polisiya.

Aminado naman ito na nahihirapan pa sa mga sandaling ito ang mga brgy sa pagsunod sa nasabing polisiya lalo na sa mga malalaking barangay.

Isang pribadong kampanya kasi aniya ang nag-slok ng partnership sa lokal na pamahalaan ng Dagupan kaugnay sa pagtapos ng problema sa Dagupan at ang tanging hiling ay ang proper segregation.

Samantala, maganda naman aniya ang plano na pagbibigay ng insentibo sa mga barangay na makakapag patupad ng maayos sa nasabing polisiya. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments