Hindi na tatakpan ang mga baril o magpapatupad ng gun taping ang Police Regional Office (PRO) 1 ngayong nalalapit na pagsalubong sa bagong taon.
Matatandaan na matagal na rin itong isinasagawa kung kayaβt inihayag ni PNP Region 1 Regional Director PBGen. Lou Evangelista na kampante ito na walang maitatalang kaso ng indiscriminate firing mula sa hanay ng pulisya.
Naniniwala si Evangelista na ang mga pulis ay disiplinado dahil dumaan sa ibaβt ibang programa ang bawat miyembro ng pulisya.
Babantayang maigi ng pulisya ang posibleng pagkakaroon ng kaso ng stray bullets kasabay ng pagsalubong sa bagong taon.
Sa ibang lugar kasi may mga naitatalang kaso ng tinatamaan ng ligaw na bala.
Samantala, hinihikayat ng opisyal na makiisa sa kampanya ng pulisya na loose firearms o i-surrender ang mga baril na paso ang lisensya nito upang hindi ma-issuehan ng karampatang parusa. | πππ’π£ππ¬π¨