Nabahagian ang abot 3,000 kababaihan mula Dagupan City ng lecture patungkol sa ilang batas at magna carta na nagmamalasakit sa karapatan ng isang babae sa lipunan sa Women’s Summit.
Target ng naturang pagtitipon ang kababaihan edad 25 pataas at magsasagawa naman ng pagtitipon para sa mga Dagupeño na nasa Grade 12 at kolehiyo.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, ang Women’s Summit ay naglalayon na mangalap ng impormasyon tungkol sa agarang hinaing ng kababaihan sa lungsod sa lahat ng edad upang maisaayos pa ang serbisyong nakalaan sa kanila tulad ng health, legal, at civil registry services.
Tinalakay sa summit ang Magna Carta for Women, Safe Spaces Act, Anti-Sexual Harassment Act, Women Empowerment, Disaster Preparedness, Waste Management, Cybercrime Prevention Act, Feminine Dental Hygiene, at pangangalaga sa mga buntis o maternal care.
Dagdag pa ni Fernandez, ang nalalapit na pagbubukas ng Justice Zone sa Dagupan City ay makakatulong sa pagbibigay aksyon at mapabilis ang mga kaso ng babae sa lungsod lalo na sa mga naabuso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨