Tuluyan nang dinagsa simula kaninang ala-una ng hapon hanggang sa oras na ito ang mga bus terminals sa Dagupan City na magsisiuwian at magsisibalikan na sa kani-kanilang mga pinanggalingan.
Mas humaba ang pila pagpatak ng hapon kumpara kaninang umaga.
Ayon sa mga byahero, bagamat mainit daw ang panahon ay mas mainam sa kanila ang bumyahe sa hapon dahilan na baka raw ay mas marami ang babyahe sa last hour ngayong araw.
Nakahanda naman ang mga kawani ng mga bus terminals sa Dagupan City sa inaasahang volume ng mga taong babyahe matapos ang selebrasyon ng holiday season.
Tiniyak din ng mga ito na nasa maayos na kondisyon ang minamanehong pampsaherong mga bus.
Samantala, inaasahan na dadagsain pa ang bus terminals ng mga commuters babyahe sa last hour o madaling araw para sa mga taong nais maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko kapag umabot na sa kaMaynilaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨