𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗦 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢

Naghahanda na ang ilang mga bus companies sa lungsod ng Dagupan kaugnay sa pagdagsa ng mga byaherong uuwi sa nalalapit na Semana Santa.

Paniniguro naman ng mga dispatchers na nasa kondisyon ang kanilang mga bus upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasaherong uuwi.

Ayon sa kanila, inaasahan nila ang tuluyang pagdagsa sa susunod na linggo, partikular na sa araw ng Miyerkules.

Gayunpaman, pinaalalahanan nila ang mga babyahe na bumyahe ng maaga o di naman ay mag-book na lang online upang makabawas sa oras na gugugulin sa mga bus terminals.

Samantala, ang seguridad sa mga terminal ay pinaiigting din ng hanay ng kapulisan para sa kaayusan at seguridad ng mga pasahero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments