𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗫𝗜𝗖 𝗥𝗘𝗗 𝗧𝗜𝗗𝗘

Inanunsyo ng bureau of fisheries and aquatic resources region 1 na ligtas mula sa red tide toxin ang coastal waters ng pangasinan at la union.

Sa inilabas na shellfish bulletin number 13 ng ahensya, nakasaad dito na ligtas kainin ang anumang uri ng shellfish mula sa infanta, bolinao, sual, anda, alaminos city, bani sa pangasinan kabilang na ang rosario at sto.tomas matapos mag negatibo sa isinagawang test para sa red tide toxin.

samantala, walang nakikitang paggalaw sa presyo ng ilang shellfish gaya ng tahong at talaba sa ilang pamilihan sa lungsod ng dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments