Umpisa na sa pamimili ang mga consumers sa Dagupan ng ihahandang noche buena products para sa selebrasyon ng araw ng Kapaskuhan sa December 25.
Ayon sa ilang consumers na nakapanayam ng IFM News Dagupan, bagamat nasa apat na araw pa bago ang hahandaang Visperas ng Pasko sa December 24, bumili na raw ang mga ito ngayon upang makaiwas sa siksikan at mas maraming dagsa sa araw bago ang nasabing pagdiriwang.
Upang makatipid daw ang mga ito, inaavail ang mga holiday packages na nabibili sa mga groceries tulad magkakasamang spaghetti, spaghetti sauce, all purpose cream, fruit cocktails, macaroni, condense and evap milk, mayonnaise at iba pa.
Ilan pang mga pangunahing bilihin tulad ng bigas at itlog ay nauna nang binibili ng mga consumers at iba pang produktong hindi madaling masira at aabot sa araw ng pagdiriwang.
Samantala, inaasahan ng mga ito na bukod sa fixed o itinakdang na presyuhan sa mga noche buema items ay maging fixed din o hindi na tumaas pang lalo ang presyo ng mga produktong bigas, karne at iba pa sa pagtatapos ng taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨